January 18, 2013

The language of blogging and writing

Ohayo, everyone! Kahit cliche, happy new year to all! Tutal wala pa namang Chinese New Year so technically maaga pa nga ang greeting ko. Chiz, anudaw?!

Anyhoo, I'm so sorry for being MIA for quite some time. Blame it on my last quarter of 2012 sickness, the hectic holidays and the still-hectic post-holiday sched. One of my resolutions for this year is to update my blog more often.

Writing has always been an outlet of mine. Lately, nagiging makeup na ang outlet ko haha but pers lab never dies, sabi nga nila diba? So hopefully mas maging productive ang outlet ko this year. Sayang naman lahat ng mukap purchases ko kung di ko ma-share sa inyo at para ma-avail nyo din! :)

To start the year right (mehganon?!), isa munang seryosong entry. Super short break lang muna from kikay posts and on to something a little bit more serious: the language of blogging.

Ano nga ba ang dapat na wika sa pag-blog? Isa ito sa mga tanong ko sa sarili ko ngayong sinusubukan kong mas makapagsulat dito sa aking blog. Pinag-isipan ko kung ano nga ba ang mga dahilan kung bakit bihira akong makapagpost.

Some thoughts:
1. Madaming work! Sometimes it's so hard to sit down and write an entry because there are too many emails, requests, memos and deadlines all competing for my attention.
2. Hassle sa pag-upload ng photos from the camera. Yea, this is just plain laziness on my part. Heehee.
3. It takes me forever to write down a full post. Dahil minsan ang hirap mag-English, haha. Judge me if you want but sometimes my mind just wants to take a break from all the English words. Haha.

Don't get me wrong. I love the English language and it's one that I do feel comfortable with to express myself both in written and spoken formats.

Pero bakit ang 'hirap'? Parang math problem lang na ang hirap i-solve. Chiz. Siguro dahil hindi ako nagsasalita in straight language. Madalas Taglish at may halo pang becky words. Napakakulay, kasingkulay ng fuschia lipstick ko hahaha.

At ang blogging, para sa akin, ay isang paraan ng pagpapahayag ng sarili. May mga blog na nakaka-nosebleed ang mga post, yung tipong pang-valedictorian at summa cum lade ang pwedeng bumasa. Paano na ako na mere mortal at nasa average lang hehehe. Pero ang blog ko ay isang paraan ko ng pagbabahagi ng aking sarili sa ibang tao. Dito sa blog ay naipapakita ko ang isang aspeto ng aking katauhan - maingay, medyo bakla, makulay at maarte (hindi ko na ipagkakaila, hahaha).

Sa bagong taon na ito, gusto ko sanang kapag binasa ng kahit sino ang blog ko, parang nadidinig lang nila akong nagsasalita in person. Parang voice note lang, chos! Seriously, I'd like to own this blog and make it truly me, my little voice in the online world. English yun, aminin natin. :))

Ano nga ba kasi ang wika ng pagsusulat? Ito ang wika mo, ang wikang taglay ng iyong puso na siyang umuudyok sa iyong mga kamay upang sumulat at bumuo ng mga akda.

Kaya kahit wala akong masyadong mambabasa, mangangahas akong magsabi na,
To my dear readers, I will strive to be always true to you and to myself in each and every post that I write in this blog. Mula sa puso akong magsusulat at hiling ko'y mula sa puso kayong bumasa. 
Puso sa puso ang usapan at yan ay magandang simulain ng isang pagkakaibigan.
 Hongtaray lungs! Pero seryoso yan. Seryoso ito. Isang panata ng pagkakatotoo.

Keri? Keri boom boom! ☆ 

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.